Pages

Monday, February 20, 2012

minsan lang talaga kitang iibigin


Mga hindi ko malilimutang linya mula sa teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Minsan Lang Kitang Iibigin. Pinagbibidahan nina Coco Martin, Maja Salvador, Andi Eigenmann, Lorna Tolentino, Amy Austria-Ventura, John Estrada, Ton-ton Gutierrez at marami pang ibang magagaling na artista.

Isa ito sa mga paborito kong programa ng ABS-CBN, at masasabi kong mahusay, maganda, exciting at sobrang nakakakilig ang kwento. Matalino ang pagkakagawa ng script, pinag-isipan, pinag-aralan at pinaghandaan para lalong mas maging effective ang pagsasabuhay ng karakter.

Gustong-gusto ko ang love story dahil tungkol ito sa first love. First and only love. Kwento ng unang pag-ibig sa tatlong henerasyon. Bawat henerasyon may love triangle. Pag-ibig sa pagitan ng sundalo at rebelde. Pag-ibig sa pagitan ng dalawang magkaibang prinsipyo at paniniwala. Pag-ibig sa kabila ng galit at kasinungalingan. Pag-ibig na walang katapusan. Minsan lang nagmahal ngunit hindi na napalitan.

"May mga batas na hindi dapat labagin para walang gulo."

-Alexander (Coco Martin)


"Minsan nga lang ako umibig, sa maling tao pa."

-Remedios (Boots Anson-Roa)


"Handa akong maghintay para sa tagumpay at pagmamahal."

-Berto, (Martin Del Rosario)


"Meron kang taong minahal, pero kahit anong gawin mo, di ka kayang mahalin pabalik."

-Gabrielle, (Andi Eigenmann)


"Ang pinakamasarap na pakiramdam ay ang magmahal, pero yun din ang pinakamasakit."

-Bernabe/Tomas (Ton-ton Gutierrez)


"Young Remedios (Agot Isidro): Minahal mo ba siya? Kahit minsan?

Young Jaime (Albert Martinez): Hindi."


"Krista/Kay (Maja Salvador): Gusto ko mag-aral dahil gusto ko maging karapat-dapat para sayo.

Alexander (Coco Martin): Karapat-dapat ka naman para sakin.

Krista: Sinasabi mo lang yan kasi mahal mo ako."


"Kahit ano haharapin ko, dahil isa ka na sa mga ipinaglalaban ko"

-Kaye, (Maja Salvador)


"Hindi mo nga sinasadya, pero hindi mo din pinigilan. Wag mong ibuhos ang lahat ng pagmamahal mo sa isang tao lang. Magtira ka naman para sa sarili mo."

-Berto


Ang pagmamahal sayo'y walang hangganan, dahil ang minsan ay magpakailanman...

Thursday, February 16, 2012

BULONG



"BULONG"
(2011 movie from Star Cinema)

Conan (Vhong Navarro): Wala ka palang kwentang kaibigan eh.

Oprah (Angelica Panganiban): Bakit? Anu-ano ba ang iba't ibang klase ng kaibigan? Nilalagay ba yan sa menu? Ino-order ba yan sa restaurant? Saang kategorya mo ba ako nilagay? Sa drinks?appetizer?main course? o dessert? meron ka pa bang ibang kaibigan? Eh, asan sila? Bakit ako lang ang nandito ngayon?

Conan (Vhong): Hindi ka dessert, hindi ka appetizer, hindi ka pang-main course. Wala ka sa menu dahil turo-turo ka lang!